×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 76

SALAMAT PILIPINAS

by EMILY D. RUDD


Aking karangalan ang pagpupugay ngayon,
Sa iyong malawak na sakop sa ating daigdig.
Dampa kong dukha sa may tabi ng kabukiran –
Doon ako kumita ng liwanag at adhika sa buhay.


Naging tanglaw ko sa aking paglaki
Ang mga magulang at ninuno naging gabay –
Marangal at Masaya ang aking nadama
Mga kapatid at pinsan lahat nagsamasama.


Ang digmaan ay isang karanasang napakalupit
Mga sundalo nakipaglaban para sa bansang mahal.
Nang dumating na ang kapayapaan sa ating lupain-
Mga tao nag-umpisang damdamin ang kaligayahan.


Ating natamo ang kalayaan at kaunlaran
Dahan-dahan ang paghugis ng matatag na pamahalaan.
Mga lider ng bayan , unti unting natuto-
Ng maayos na pagsilbi sa lahat na Pilipino.


Pilipinas, sa mga taon na nagdaan ikaw ay umunlad
Tatlong bituin sa inyong watawat ay lumiliyab.
Ang araw sa gitna ay palaging makinang
Pula, puti at bughaw - nagsilbing aliw ng lahat.


Nang aking natamo ang mga layon ko sa buhay
Ang puso ko ay puno ng luha at pighati.
Nangibang bansa ako at pumunta sa malayong Australia–
Upang aking matupad ang ibang inasam-asam na pangarap.


Salamat, Pilipinas sa pagtangkilik mo sa amin
Mga magulang namin ay nauna na sa kabilang buhay.
Kaming limang magkakapatid, sa iyong pagkandili –
Walang hanggang pasasalamat at paggalang sa inyong pangalan!

 

Read 701 times

About Author

Login to post comments

Archive